Enchanted Hearts. My first PHR novel.
Friday, June 21, 2013, ϟ 0 shout(s)
Synopsis:
Isang assignment sa trabaho ang nagdala kay Mei sa
malaparaisong bayan ng Majayjay. Dahil likas na mapagmahal sa kalikasan,
humanga siya sa kagandahan ng lugar. At bukod sa magagandang tanawin ay
nakilala rin niya si Seth. Tila nabatubalani siya nang unang masilayan niya ang
lalaki na may mga matang nakakalunod kung tumitig. Sira nga lang ang pantasya niya
dahil may-pagkamasungit ito. Pero hindi rin naman niya magawang tuluyang mainis
dito. Dahil sa mga kamalasang inabot niya sa Majayjay ay naroon ito para
tulungan siya. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling nahuhulog na ang loob
dito. Gustong-gusto niyang makasama ito at mukhang ganoon din ang gusto nito.
Pero hindi sila puwedeng magsama. Dahil pagkatapos niyang malaman ang tungkol
sa nakaraan nito ay kailangan niyang pakawalan ito para na rin sa ikabubuti
nito.
Ang masasabi ko tungkol sa first novel ko na ito...
Sobrang baduy at corny niya, like EWW. Hindi ko talaga siya binasa ulit pagkatapos kong ipasa sa editors dahil nga nababaduyan ako. Kung totoong anak ko ito matagal ko nang tinakwil to (ang sama kong nanay). Pero inaamin ko, kinilig ako ng todo nun ginagawa ko ito kaya siguro ganun na lang reaction ko nung ineedit ko na at napansin ko kung gaano nga siya kabaduy at ka-corny.
new past

